Roxanne Guinoo: Isang magandang bangungot ang makapiling si Jake Cuenca

Punong-puno ang Cinema 6 ng SM Megamall noong Linggo, December 16, kung saan ginanap ang premiere night ng Regal Entertainment’s Shake, Rattle & Roll 9. Ito ang nag-iisang horror movie entry sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Roxanne Guinoo caught our attention sa kanyang episode na “Bangungot,” ang ikalawang episode ng SRR9, dahil she’s living up to her sexy image after endorsing a whisky brand. Bigay na bigay ito sa pakipaghalikan kay Dennis Trillo lalo na sa eksenang towards the end kung saan nagkayapan sila ng mahigpit ni Dennis.

Sa ginawang reception sa Super Bowl sa ground floor ng SM Megamall ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres at inamin nito na araw-araw itong binabangungot.

“Oo naman, kino-consider ko na bangungot ang nasa piling ni Jake Cuenca. I want to make it clear na magandang bangungot ‘yon.”

Dagdag pa, “Kung maari ngang di na magising sa bangungot na ‘yon ay gugustuhin ko.”

Does it mean, noong magkarelasyon pa sila ni Joross Gamboa ay hindi niya ito maituturing na magandang bangungot?

“Huwag na natin siya isama dito and hayaan na natin siya. Sigurado kong masaya na siya ngayon sa piling nga kanyang minamahal. Irespeto na lamang natin siya. Saka nakakahiya sa kanya kung idinadamay pa natin sa usapan.”

How true na isinauli na nito ang bigay na singsing ng aktor at pagkumpirma ba itong hiwalay na sila?

“Mahirap magsalita pa sa ngayon. Hintayin na lang natin dahil malalaman din natin ang pinakadahilan sa madaling panahon.”

Totoo bang apektado ang kanyang role sa Palos dahil sa break nila ng aktor na isa sa mga bida? “Guest role lang talaga ako doon. Nasa script ‘yon at alam ko naman dahil nabasa ko at ang role ko talaga ay maiksi lang.”
Ang Palos ay ang action-drama teleserye na pagbibidahan ni Jake kasama ang kanyang bagong leading lady na si Valerie “Bangs” Garcia. Ipapalabas ito sa first quarter ng 2008.

“Ang alam ko, bibigyan ako ng isang drama soap na makakasama ko si Claudine Barretto. Si Jake naman, he is going action. Kaya di kami puwedeng magsama sa isang teleserye sa ngayon.”

Regarding sa balitang babalik ito sa pagho-host sa Wowowee ay pinabulaanan ito ng aktres. Gustuhin man nitong bumalik sa nasabing game show ni Willie Revillame ay hindi na siya pinayagan ni Mr. Johnny Manahan dahil kailangan nitong mag-concentrate sa kanyang acting dahil gini-groom itong dramatic actress.

SYNOPSIS. Sa kabilang banda ay masasabing matagumpay ang nasabing premiere night ng Shake, Rattle & Roll 9. Tilian, sigawan at nandoon ang takot ng mga manonood sa bawat eksena. Ito ay pagpapatunay na naging matagumpay ang tatlong direktor na sina Topel Lee, Mike Tuviera, at Paul Daza na manakot.

Ang unang episode ng SRR9 ay ang “Christmas Tree” na idenerehe ni Paul Daza. Punong-puno ng mga surprises at ang mga batang nanonood ay talagang takang-taka sa animated tree na nagiging monster at kumakain ng mga biktima.

Ang nasa cast ay sina Tonton Gutierrez, Boots Anson-Roa, Gina Alajar, John Lapus, John Prats and Lovi Poe. Child star Nash Aguas was exceptional sa kanyang pag-akting at marami ang naniniwala na magkakamit muli nito ang Best Child Performer Award.

Ang ikalawang epsiode ay ang “Bangungot” na talagang hindi ka mapapaalis sa kinauupuan mo para di mo ma-miss ang susunod na eksena dahil talagang may touch of mystery ang nasabing epsidode na bida sina Dennis Trillo, Pauleen Luna at Roxanne Guinoo. This is directed by Mike Tuviera at kasama din dito si Eugene Domingo na ‘di nagpatawa kung hindi nananakot.

Ang panghuling episode ay ang “Engkanto” na ang bida ay si Katrina Halili na hindi nagpaseksi bakgus ay nananakot sa mga manonood. Si Topel Lee ang nagderehe ng nasabing episode at matagumpay nitong pina-arte ang mga baguhang sina Matt Evans, Mart Escudero, Melissa Ricks, Jewel Mische, Felix Roco, at Sam Concepcion. Kinunan ang nasabing episode sa isang abandoned beach resort at dito naganap ang pakikipaglaban ng masamang ispiritu sa mga kabataang miyembro ng banda.

Ang Shake, Rattle & Roll 9 is rated GP (General Patronage) and opens in theaters nationwide on December 25.

ALEX DATU
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply