Gretchen hiwalay na kay Tony Boy Cojuangco?!
Si Gretchen Barretto na nga ang pinaka- eskandalosang babae ng 2007 dahil hindi na siya nawalan ng eskandalo na kinasasangkutan.
Pinagpistahan noon ang balita na may away sila ni Dawn Zulueta, sinundan ito ng malaking isyu dahil sa kissing photo nila ni John Estrada at ngayon, malakas ang tsismis na hiwalay na sila ni Papa Tonyboy Cojuangco with matching third party involved.
Ewan ko lang kung sasagutin ni Gretchen ang bagong isyu dahil masyadong masalimuot ang kuwento at may ibang mga taong involved.
Eh hanggang hindi nagsasalita o nagpaÂpaÂliwanag si Gretchen, siguradong pagpipistahan ng madÂlang-people ang balita na hiwalay na sila ni Papa Tonyboy.
Busy ang mga tao sa kanilang Christmas shopping kaya dedma muna sila sa mga showbiz scandal.
Pagkatapos ng Christmas season, saka nila pagtutuunan ng pansin ang latest issue sa buhay ni Greta na hindi na nawalan ng kontrobersya. Greta, kontrobersya…Magka-rhyme ha?
* * *
Kung totoo man na hiwalay na sina Greta at Papa Tonyboy, after you, Dennis Padilla & Marjorie ang kanilang drama.
Fresh pa sa lahat ang paghihiwalay nina Dennis at Marjorie na nali-link sa isang pulitiko pero pinabulaanan na niya ang tsismis.
Narinig ko noong isang linggo na may special announcement daw si Marjorie. Hanggang ngayon, hindi ko pa naririnig o napapanood kung anuman ang special announceÂment ni Marjorie.
Pinakamasuwerte sa magkakapatid si Claudine Barretto na happy sa piling ni Raymart Santiago at ng kanilang dalawang anak.
Bongga ang hikaw ni Claudine nang umapir ito sa Christmas special ng ABS-CBN na ipinalabas sa TV noong Linggo ng gabi. Ilang carats kaya ang malaking hikaw ni Claudine?
LOLIT SOLIS
Pilipino Star Ngayon