“Marimar†leading man Dingdong Dantes reacts to ABS-CBN’s case against AGB Nielsen
Dalang-dala ni Dingdong Dantes ang kanyang karakter na Sergio sa Marimar nang nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Centerstage sa Tomas Morato, Quezon City last Friday, December 14, sa thanksgiving party na ibinigay niya para sa entertainment press.
Ayon sa young actor, ang isa sa kanyang mga objective sa susunod na taon ay ang paggawa ng isang indie film na magke-cater sa iba’t ibang probinsiya.
Ani Dingdong, “The concept is now being put up. So, ike-cater ko ‘yong magagandang lugar, but it’s more of history, it’s more of culture rather than the places. To promote tourism, to promote ang kanya-kanyang kultura ng bawat probinsiya.â€
Dagdag ng actor-director, magandang paglaruan ang ganitong konsepto sa pamamagitan ng drama genre. Binanggit din nito na lahat ng gagamitin sa kanyang gagawing pelikula ay lokal.
“Alam mo tayo, I’m one of the people who really promote nationalism. Ako, nationalistic akong tao,†pagmamalaki ni Dingdong.
RATINGS GAME. Kasabay ng panayam namin kay Dingdongs ay ang pagsambulat ng balitang idinemanda ng ABS-CBN ang AGB Nielsen Media Research Philippines ng civil case, pagkatapos lumantad nga ang isang tao na nag-confess na binabayaran diumano ito ng isang “network†para bumagsak sa ratings ang Kapamilya network sa lalawigan ng Bacolod.
Ano kaya ang masasabi ni Dingdong dito, lalo na’t ang kinabibilangan niyang programa na Marimar ang nangunguna sa ratings na inilalabas ng AGB Nielsen sa Mega Manila?
“Ako, sa tingin ko, hindi natin pupuwedeng kuwestiyunin ang integrity ng isang company—much more like AGB Nielsen. I don’t think na malalagay sila sa sitwasyon na makakasira ng malaking kompanya na ‘yon,†pahayag ni Dingdong.
Umaasa ang young actor na hindi totoo ang balita dahil naniniwala siya na hindi papayag ang AGB Neilsen na may gano’ng klaseng corruption na mangyayari within their company.
“And ako, I believe na fair pa rin naman talaga ang paglalagay nila sa rating because, just like before, GMA naman talaga was not always on top. Ngayon, lately lang naman talaga na nangyayari ‘yan, pero may ebidensiya pa rin naman. So, ako, ayokong paniwalaan ‘yan,†paliwanag ni Dingdong.
Dagdag pa ni Dingdong, ang kadalasang lumalabas na survey ay para lamang sa Mega Manila. Iba raw ang reaksiyon ng mga tao sa bawat probinsiya, kaya dapat daw ay binigyan ito ng konting kunsiderasyon.
ALEX DATU
Philippine Entertainment Portal