‘Darna,’ gagawin ni Marian sa Siyete?
SI Marian Rivera lang sa major cast ng Desperadas ang absent sa Christmas party-cum-presscon ng Regal para sa three entries nila sa Metro Manila Film Festival. Nagsu-shooting ito ng A Very Special Love, Valentine movie nila ni Richard Gutierrez, pero tiniyak nitong darating sa premiere night ng Bahay Kubo sa December 19, at Desperadas sa Dec. 23.
Join din siya sa Dec. 24 parade at sa karosa ng Desperadas sasakay.
Sa March next year pa magtatapos ang Marimar, pero may ugong nang Darna ang next project ni Marian sa GMA-7.
Mas may ingay ito kesa sinasabing ang Rosalinda o kaya’y Dyesebel ang susunod niyang serye.
Tinanong na namin ang actress sa posibleng susunod niyang serye, pero bawal isulat ang kanyang sagot. Sigurado kaming iba’t ibang reaction ng tao kung ’yun ang matutuloy. May matutuwa at may magtataas ng kilay.
NITZ MIRALLES
Journal Online