Iza Calzado itinali na ng GMA Films
EXCLUSIVE contract star na rin ng GMA Films si Iza Calzado. Last November 12, pumirma na rin ang aktres ng kontrata sa movie outfit ng GMA Network.
Kasama ang daddy niyang si Lito Calzado, 3-years and 5 picture contract ang kanilang pinirmahan. Naging saksi sa contract signing sina Ida Henares (GMA Artist Center head), Joey Abacan (VP, GMA Films and Film Acquisitions) at Atty. Annette Gozon- Abrogar (President, GMA Films).
A day after ng contract signing sa GMA Films, sa GMA Artist Center (GMAAC) naman pumirma ni Iza. Tatlong taon din ang nakasaad sa kanyang exclusive contract. Indeed, Iza is so lucky having to exclusive contracts with the number one TV network ng bansa.
Ang dalaga nga ni Tito Lito ang first actress to sign an exclusive contract with GMA Films. Iza is the second actor to sign after Richard Gutierrez. Tuwang-tuwa at feeling honored naman ang magaling na aktres sa tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang mother studio.
“Wow, this is something,†sambit ni Iza nang makausap namin after ng first presscon ng Batanes sa 17th Floor ng GMA Network building. “Suwerte ko naman na nabigyan ako ng ganitong pagkakataon. I hope I can live up to their expectations. Maraming salamat.â€
Hindi lang namin naitanong kay Iza or any representative ng GMA Films kung kasama na ang Batanes sa five-picture contract deal na pinirma-han ng aktres. Ang “Batanes†ay co-production venture ng GMA Films at Ignite Media.
But one thing is sure, excited si Iza sa proyektong ito dahil leading lady lang naman siya ng F4 Member na si Ken Chu (ito raw ang right spelling ng surname ng Taiwanese superstar). Like Ken, hindi nauubusan ng magagandang adjectives si Iza patungkol sa isla ng Batanes.
“It’s so pure,†kuwento niya. “I love the place. ‘Yung innocence at simplicity ng place. ‘Yung pagiging untouched territory nito, which I hope remains like that. Parang hindi pa ito nae-exploit. I was overwhelmed by the place.â€
Tulad ng pagkukuwento ni Iza, naisalarawan din ito sa pelikulang Batanes nina direk Adolf Alix, Jr. at Dave Hukom.
“It’s really a beautiful place. Tulad ng iba pang cast member, I also felt in-love with Batanes. When I did ‘Kadin,’ sinabi ko sa sarili ko na babalikan ko ito. Tamang-tama naman ‘yung istorya ng ‘Batanes,’ so nagkaroon uli ako ng chance to return to the place,†pagmamalaki na
Batanes hits the big screen on December 5. Prior to the big day, magkakaroon muna ng special screening ang Batanes sa mismong probinsiya. We heard, ililipad ng GMA Films at Ignite Media ang ilang members ng media para saksihan ang pagtatanghal doon.
Maliban kina Iza at Ken, nasa cast pa rin ng Batanes sina Bembol Roco, Daria Ramirez, Mike Tan, Coco Martin and Joem Bascon, an ABS-CBN Star Magic talent who gets his biggest break in the movie.
LITO MANAGO
Journal Online