Dismayado kay Mariel

Parami nang parami ang bilang ng mga tao na turn-off kay Mariel Rodriguez dahil sa ugali na ipinakikita niya sa loob ng PBB house.

May isang thread sa internet na tungkol sa ugali ni Mariel ang favorite topic.

Ang Mariel Rodriguez thread ang venue ng female fans ni Mariel na dismayado sa mga sinasabi at ikinikilos niya sa PBB house.

Ang reader na si Anarica Cena (anarix14@gmail.com) ang nagbigay sa amin ng website address ng Mariel thread.

Disappointed si Anarica kay Mariel, dahil sa sinabi nito na mababaho ang viewers ng Wowowee:

“Good day to you. I just posted you a link on Mariel’s thread so that you guys there in showbiz press would really know about our point of views with regards to Mariel’s very disgusting and disappointing behavior.

“We also have live feeds here on PBB 24/7, since they offered it here in the GCC. What really made us feel bad was when she mentioned na mababaho ang mga viewers sa Wowowee.

“So please, if there would be hate campaign online on kickin’ out this lady in the world where she once mentioned as kadiri, maraming Pinoy abroad ang sasali.

“She’s not worthy to have a good manager such as Boy Abunda. A lot of instances where Mariel bad-mouthed inside the PBB house is really disappointing.

“Kung nandiyan lang kami sa Pilipinas, we’ll surely be there on the night na lalabas s’ya sa PBB house para mag-boo kay Mariel!! She’s nothing but a pretty face… no substance!

***

Naka-post sa Mariel’s thread ang mga sumusunod na komento mula sa 24/7 viewers ng PBB Celebrity Edition 2:

Mula kay Izylicious: I don’t think she’s playing a part. Pati mga co-artists niya sa ABS-CBN, bina-badmouth niya. Nagtiyaga talaga ako na panoorin sa YouTube ang lahat ng mga inasal ni Mariel and my God, I can’t believe she’s that rude and obnoxious pala!

Here are just some things (na nasabi na) but if I may just reiterate:

1. Naghugas ng paa sa sink. Feeling niya ang cute pa niya. Sa bahay ba nila walang banyo?

2. On probinsyanas (Zara yata because of her sanitary pads, basta marami daw ‘tong “probinsyana moments”) — Hay naku Mariel, kung lahat ng taga-Manila tulad ng ugali mo, mas gusto ko pang maging probinsyana kesa matulad sa’yo.

3. Endless cussing — Total turnoff! Parang walang pinag-aralan. Para lang siyang mestisang kanto girl. (contradicting sa pa-cono niyang arte!)

4. On ML and her kabobohan — Toni was obviously stunned sa mga lumalabas sa bibig niya, so pilit niyang pinamumukha kay Mariel ang good side ni ML. Pero jusko, pinagdidiinan talaga ni Mariel na bobo (as in booooooboooooooooo) daw ‘yung isa. Grabe talaga.

5. On Bea (and her lipo) — What’s with the word “tira”? Pinatira raw kasi ni Bea ‘yung arms nito. Siya rin naman pala nagpa-lipo ng hita!

***

Big deal naman sa isang member ng thread ang ipinagtapat ni Mariel na may ready fake smile ito para sa mga tao kapag bad mood siya.

Naiintindihan ng member na normal sa mga artista ang magkaroon ng fake smile, dahil mga tao rin naman sila pero hindi niya matanggap ang pahayag ni Mariel tungkol sa mga litrato na ipinamimigay nito sa fans.

Sinabi raw ni Mariel na meron itong ready pictures to give out para hindi na magpa-picture sa kanya ang mga tao “kasi they smell bad”.

JOJO GABINETE
Abante Online

Leave a Reply