Solid Vilmanians may hinanakit kay Gov. Vi

I could choose to turn a deaf ear on this item, lalo pa’t tungkol ito sa idol kong si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Reklamo ito ng isang miyembro ng grupong Vilma Santos Solid International (VSSI), binubuo ng humigit-kumulang 60 miyembro, si Salcedo “Zaldy” Catli.

Disappointed daw kasi ang kanilang grupo nu’ng idaos sa isang noontime show ang birthday celebration ni Gov./Ate Vi noong November 3. First of their many grievances, nu’ng sabihan sila na 30 katao lang ang bibigyan ng gate pass upang makapanood, paano raw ‘yung iba nilang miyembro?

Sobra raw sa pito ang bilang nu’ng pumunta sila, but they were allowed entry na rin. Ikalawa, sa bandang likod daw ng studio sila ipinuwesto giving priority to the Batangueños.

Ikatlo, nang matapos daw ang show ay mahigit isang oras silang naghintay sa gate kung saan inaasahang lalabas ang sasakyan. Pero nang huminto raw sa kanilang harapan, imbes daw na tanungin sila ni Gov. Ate Vi kung kumain na sila o yayain man lang daw silang mag-usap for at least 10 minutes ay hindi nila narinig sa bibig ng aktres-pulitiko.

“Imagine, anong oras na ‘yun, naghintay kami sa gate, kung saan-saan na nga lang kami kumain sa tabi-tabi? Ano ba naman yung kahit man lang doughnut at softdrinks, eh inalok niya kami, kahit banana cue man lang? “Yung thought man lang, di ba? Kaso, wala! Samantalang dinalhan pa naman siya ng regalo, isang box ‘yon ng mga tapes ng mga pelikula niya noon na wala siyang kopya. Hindi sa isinusumbat namin kay Ate Vi ’yun, kaso sinabihan pa kami na huwag na raw kaming dumalaw sa kanya sa Batangas? Okey lang naman na mas priority niya ang mga Batangueño, pero isipin din naman niya na bago pa siya pumasok sa pulitika, eh, nandiyan na ‘yung grupo namin, kaming mga tagasuporta niya,” himutok ni Zaldy.

I hope that Ate Vi doesn’t take this against me, there goes beyond admiration.

RONNIE CARRASCO
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply