Anak na bakla ni Vilma, sino ang gaganap?

Mukhang wish granted ang hiling ni Batangas Governor Vilma Santos- Recto nu’ng kanyang kaarawan, dahil nabalitaan naming siguradong gagawa raw muli ng pelikula si Ate Vi. Yes, as in tuloy na pala ito, huh?

Nakatanggap kami ng balita na sa Star Cinema raw ang gagawing pelikula ni Ate Vi at naka-schedule nang umalis ang Star for All Seasons sa darating na Pebrero papuntang New York para mag-shooting doon.

Pabulosa ito!

As we write this column, si John Lloyd Cruz na ang gaganap bilang lover ng gay na anak ni Ate Vi sa pelikulang ito na ididirehe ni Olive Lamasan.

Sa ngayon ay wala pa umanong napipisil para gumanap bilang gay na dyunakis ni Ate Vi. Malamang ay pinag-pipilian pa among our finest young actors.

Siyempre, si Ate Vi ang ka-eksena nila noh? Kakahiya naman kung sablay silang umarte.

Ito raw ang papel na tinanggihan ni Ryan Agoncillo, kung bakit ay hindi pa namin knows.

Kaya abangan na lang natin kung sino ang gaganap bilang anak ni Gov. Vi sa pelikulang ito.

CHAN-CHAN TORRES
Journal Online

Leave a Reply