Palmolive Palma at Will Devaughn sex video update

Dumating na mula sa isang buwang pagsu-show sa Australia ang apat na members ng Baywalk Bodies na sina Jeanette Joaquin, Michaela Espinosa, Clarise Mercado at Palmolive Palma.

Sa second presscon na ipinatawag ng manager nilang si Lito de Guzman para sa bagong album ng grupo na The Very Best of Baywalk Bodies (tampok ang carrier single na Appear, Disappear) ay talbog ni Palmolive ang lahat ng kasamahan niya dahil siya ang kinuyog ng press.

Siyempre pa, ang inusisa ng lahat kay Palmolive ay ang sex video nila ng modelong si Will Devaughn (na kasali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ng ABS-CBN).

“Nagulat ako. Nasa Australia ako, my fiancé, tumawag sa akin. I feel so bad, kasi first, my family, my mom, galit sa akin. Second, my fiancé broke up with me because of this issue.

“And ‘pag binasa ko ‘yung mga comment sa Internet, puro against sa Baywalk at sa akin. Ang sakit, kasi I really love my boyfriend!” emosyonal na bulalas ni Palmolive, na biglang nabasag ang boses, nanginig ang katawan at napaiyak habang nagsasalita.

Patuloy niya, “Sinasabi nila na ginagamit lang namin ito for publicity. Paano ko gagamitin ‘to for publicity eh, nalaman ko ‘to, nandu’n ako sa Australia?

“I’ve been trying to explain to my fiancé everything, pero naubusan na ako ng explanation, eh! Ayaw niyang maniwala. Ang sakit lang, kasi pati boyfriend ko, ayaw maniwala sa akin.

“Tapos, sinasabi ng mga tao na ginagamit namin itong isyu na ito. Porke ba si Will eh wholesome? Parang kami kaagad ‘yung user?!

“I’m sick and tired sa mga publicity na hindi magaganda! Ever since, three years na ako sa Baywalk, never akong gumawa ng intriga!

“Ito, naapektuhan ako masyado because he’s my fiancé and we broke up because of this issue,” lumuluhang sambit ng sexy singer.

Naapektuhan daw nang husto si Palmolive nang tawagan siya ng nobyo niyang Hapon para makipagkalas ito sa kanya.

Mahal daw niya ang kanyang foreigner boyfriend dahil mabait ito at ito ang nagsusustento sa kanya.

“Nasa Australia kami, hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Nagkasakit ako roon for two weeks. Hindi ko alam kung bakit lumabas ‘tong isyu na ‘to! Actually, matagal na ‘tong nangyari, eh!” emote niya.

Sila na ba ng nobyo niyang Hapon nang magkaroon sila ng ‘relasyon’ ni Will at gawin nila ang kontrobersyal na blowjob video?

“Oo, pero siyempre, malayo siya (Japanese BF niya). Hindi natin maiiwasan, may mga ano tayo, di ba? Ayokong itanggi. He’s not in the Philippines… pero siyempre, dinenay ko ‘yon sa boyfriend ko.

“Ayoko sanang mag-comment diyan, eh! Kasi, baka paglabas ni Will (sa Bahay ni Kuya), magalit sa akin. Baka sabihin, gumagawa ako ng isyu.

“Dapat, tanungin din siya. Kasi, dalawa… kung meron ako, meron din siya (ng kopya nu’ng sex video)!

“Kinu-question nila, dahil ngayong lumabas ‘yung album naming, saka lumabas ‘yung isyu. Pumasok si Will (sa PBB house), saka lumabas ‘yon.

“Ako, nagkukuwestyon din ako sa sarili ko, ‘Bakit ngayon lang lumabas ‘to na pumasok si Will sa Bahay ni Kuya? Wala akong alam dahil nasa Australia ako, eh!

“Nagulat na lang ako, hiniwalayan na ako ng fiancé ko!” pakli ni Palmolive, na muling napahagulgol habang nagpapaliwanag.

Nagsisisi ba siya sa nangyari?

“Wala akong dapat pagsisihan. Ang sa akin lang, huwag nila kaming i-judge kaagad, lalo na sa akin na nababasa ko ‘yung mga comment sa akin sa Internet.

“Ito lang ang masasabi ko kay Will, kasi I’m sure, paglabas niya, magagalit siya sa akin. Will, hindi kita ginagamit. Nasira ang relasyon ko sa fiancé ko because of this issue, so huwag kang mag-isip na ako ang naglabas ng ganitong scandal. No, I’m not like that!” maigting na pahayag ni Palmolive.

Ayon pa sa sexy singer, three years na ang relasyon nila ng fiancé niya. Sila raw ni Will ay nagkakilala nu’ng bago pa lang dating sa Pilipinas ang skinhead na modelo.

Hindi niya raw matatawag na relasyon ang namagitan sa kanila at hindi rin one-night-stand. Basta, naging magkaibigan daw sila nito.

Sino ba ang may kopya ng nasabing video?

“Okay, to be honest, pareho kaming may hawak (ng kopya ng sex video). Pero hindi ko in-expect na lalabas ‘yan. Kasi, nag-promise kami…

“The problem is, ‘yung celfone ko, nawala. Pero hindi ko masasabing may nagpakalat no’n dahil alam ko, ‘yung celfone ko, may lock code ‘yon. At mga one year ago na ‘yon.

“Pero nu’ng time na ‘yon, kami na nu’ng boyfriend ko. Kaya naiintindihan ko kung bakit hiniwalayan niya ako. Kasi, niloko ko siya. Kasi, hindi natin maiiwasan minsan, di ba?” hirit pa ng maluha-luhang dalaga.

So, masama ang loob niya ngayon dahil nawalan na siya ng boyfriend, siya pa ang pinagbibintangan na nagpakalat ng malaswang video?

“Oo. May dignity rin naman ako!” buong ningning na sey ni Palmolive.

“Sex scandal na ‘yun, eh! Bakit ko ikakalat ang sarili ko? Hindi ko magagawa ‘yon!

“Kaya nga pagdating ko kagabi, tinanong ko si Nanay Lito (de Guzman), ‘Ano ba, ‘Nay, ano ba ‘to? Ikaw ba ang gumawa nito o ano? Sabihin mo sa akin ang totoo!’

“Nag-swear to God siya (na hindi siya), so naniwala ako sa kanya. Minsan, naisip ko rin na baka may humiram sa celfone niya (Will)…

“Di ba, bawal ang celfone sa loob (ng Bahay ni Kuya)? So, baka nakita ‘yung ano namin sa celfone niya. ‘Yun ang naisip ko nu’ng sinabi ni Nanay na hindi siya.”

So, apektado ang pamilya niya ng nasabing eskandalo?

“Siyempre, my mom, Christian, eh! So, parang… ang dami ko na kasing isyu, eh! Tapos, ito na naman! Gusto ko naman, good. Ayoko na ng isyung ganito!”

Anong feeling niya na ang baba ng tingin ng mga tao sa kanya dahil sa kinasangkutan niyang kontrobersya?

“Siyempre, ‘pag nababasa ko ‘yung mga comment nila, masakit dahil hindi naman totoo. Buti sana kung nagsisinungaling ako.

“At saka gusto kong makita ‘yung video. Wala na kasi akong copy nu’n. Wala na…” humihikbing sambit ni Palmolive Palma, na ikinaloka namin dahil hindi namin mawari kung bakit gusto niya ulit magkaroon ng kopya ng mahalay na video na nagpahamak sa kanya.

Abante-Tonite

Leave a Reply