Gaby dela Merced lumayas na sa PBB House

Sasalubungin na ng buong bayan palabas ng Big Brother house ang Racing Goddess na si Gaby dela Merced.

Voluntary exit ang pinili ni Gaby matapos siyang pagdesisyunin ni Big Brother kung ipagpapatuloy niya ang laban sa loob ng pinakasikat na bahay sa Pilipinas o lalabas siya upang muling harapin ang mga oportunidad para sa kanyang pagpapabuti ng kanyang career.

Matatandaan na nuong Linggo ng gabi ay isa ang race car driver sa mga nominado kahanay nina Ethel Booba, Victor Basa at ang two-in-one Geisler tandem na sina Baron at Donald.

Pagkatapos ng nomination ay live na pinatawag ni Big Brother si Gaby upang kausapin tungkol sa dalawang option nito. Alam kasi ni Kuya na bago pa man lang pumasok si Gaby ng bahay ay may naka-schedule siyang Driver Development Seminar for International Racing sa Arizona, USA. Ito ay magaganap mula November 16-18.

Bilang isang professional racer ay mahalaga ang seminar na ito para kay Gaby. Pangangarera ang kanyang passion at handa siyang gawin lahat upang magtagumpay sa larangan na ito.

Ang driver development program ay isa sa mga paraan upang makamit niya ang kanyang pa-ngarap kaya kahit daw mahirap para sa kanya ang magpaalam sa Big Brother house ay kinakailangan niyang gawin.

Pumasok si Gaby dela Merced sa Big Brother house na isang kilala at nirerespetong Racing Goddess. Nakilala natin ag kanyang tunay na pagkatao at na-inpsire tayo sa ipinakita niyang katatagan. Sa kanyang paglabas ng Big Brother house, sasalubu-ngin ng taong bayan ang mas kilala at mas respetadong tao at Racing Goddess.

Dahil sa desisyong ito ni Gaby, kanselado na ang botohan para sa eviction sa Sabado. Hindi pa nasasabihan ang mga housemate tungkol dito. Hindi pa rin nila alam ang tungkol sa desiyon ni Gaby.

Siguradong nakakaiyak ang mga susunod na tagpo kapag nalaman na nila ito. Huwag kakaligtaang manood ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 sa Primetime Bida gabi-gabi. Maki-chika na rin sa PBBC2 Uber tuwing 5:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Journal.com

Leave a Reply