Boobs ni KC lumuwa, Sharon nagwala
NAGALIT pala ang Megastar na si Sharon Cuneta nang mabalitaan ang pagluwa raw ng boobs ni KC Concepcion habang ini-interview ang dalaga para sa showbiz segment ng isang news program recently.
Ito ay naganap daw sa photo shoot para sa Hair Asia kung saan isa raw sa mga panauhin si KC.
Ayon pa sa aming source, habang naghihintay ang dalaga ng kanyang turn to host the event, kinunan muna umano siya ng interview para sa isang news program.
Gusto raw sanang kagalitan ni Mega ang anak sa kapabayaan sa katawan (o pagiging burara ba?), pero inunawa na lang niya si KC sa paliwanag nito.
Unaware naman daw kasi si KC na may ganoong pangyayari dahil akala niya ay safe to wear ang purple gown with deep neckline na suot niya! Grabe, huh?
Naroon pa nga raw sina CEO Evelyn Alvaran-Cruz at Fanny Serrano nu’ng mangyari ang sinasabing insidente.
Meron naman nagsasabing nagpapansin daw ang dalaga kung kaya’t ganun ang kanyang isinuot?! Ganoon?!
Sa tingin namin ay unfair namang sabihin ang ganito kay KC dahil alam ng lahat na mismong ang management na nagha-handle sa kanya ay wholesome ang image na gustong i-project ng dalaga.
Saka hindi naman basta papayag si KC na malagay sa ganitong alanganing sitwasyon, had she known na aksidente na pala siyang nasisilipan, di ba?
Ayaw ni Sharon Cuneta ng ganyan.
Komento pa ng aming source, mabuti na lang daw at hindi bastos o tipong mapagsamantala ang mga camera men na nasa harap ni KC during that time.
Kaya konting ingat lang talaga, sa susunod. Naman!
CHAN-CHAN TORRES
Journal Online