Andrew Wolff, nasaktan kay Ethel

Masama ang loob ni Andrew Wolff sa lumabas sa Pinoy Big Brother nu’ng Huwebes nang gabi kung saan sinabi ni Ethel Booba kay Mariel Rodriguez na user si Jon Avila gaya ni Andrew Wolff.

Nasa bakasyon sa Cebu si Andrew nung araw na iyun at hindi yata niya napanood ang episode na iyun pero ang daming nag-text at tumawag sa kanya para iparating ang sinabi ni Ethel.

Nasaktan si Andrew dahil nananahimik siya at hindi na nakapasok sa PBB, idinamay pa siya ni Ethel.

Nasaktan din siya para kay Jon Avila dahil sobrang bait daw nitong kaibigan niya, sinisiraan pa ni Ethel.

“Gusto ko lang sanang malaman kay Ethel kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinasabi niyang user,” text sa akin ni Andrew.

Unfair daw sa kanya na ikuwento iyun ni Ethel sa iba at napapanood pa ng lahat.

Abante-Tonite

Leave a Reply