StarStruck 2 Avenger Kevin Santos takes a second crack at his showbiz career
Among the first to be eliminated si Kevin Santos sa second edition ng StarStruck na pinagwagian noon nina Mike Tan at Ryza Cenon. Halos totally nawala na sa eksena si Kevin sa pagdadaos ng dalawa pang StarStruck editions kung kaya’t nagpatuloy na lang siya ng kanyang pag-aaral. Nang bumuo ang GMA Artist Center, together with Noel Ferrer, ng isang boy band, isa si Kevin sa mga nakapasa. Ito ay ang Studs kung saan kasama rin sina Mike, Dion Ignacio, Felix Roco, Lance Oñate, JC Cuadrado, and Edgar Allan Guzman. Later on ay nadagdag sa grupo si Coco Martin.
With the Studs calendar 2008 ng X-Ray magazine, naging high profile muli si Kevin with a new manager. Soon, pasok siya sa two upcoming shows of GMA-7.
Una na rito ang My Only Love, ang fifth Sine Novela ng GMA-7 na papalit sa Kung Mahawi Man Ang Ulap when it ends this Friday, starring Mark Herras, Rhian Ramos, Bianca King, and Alfred Vargas. Kevin will play a gay role na kaibigan ni Rhian.
Ang isa pa ay ang Kamandag, ang pinakabagong primetime soap ni Richard Gutierrez, where Kevin will play one of the bullies.
DINNO ERECE
Philippine Entertainment Portal