Angelika dela Cruz, babalik sa syete?
NAKARATING sa amin ang tsikang tatapusin na lang ni Angelika dela Cruz ang Prinsesa ng Banyera sa Dos bago muling lumipat sa bakuran ng GMA-7.
Ayon sa isang source, dapat ay hindi na tatapusin ni Angelika ang naturang afternoon drama na pinagsasamahan nila ni Kristine Hermosa.
Pero, natakot itong baka masira ang pangalan niya kung hindi tatapusin ang programa.
Isa umanong fantaserye ang naghihintay kay Angelika sa Siyete, kung saan makakasama niya si Jennylyn Mercado.
Ayon pa sa bali-balita, nu’ng una’y plano sanang manatili ng aktres sa Dos, pero napag-isip-isip daw nitong walang nangyari sa career niya mula nang mapunta sa Dos.
Lagi na lang daw kontrabida o kaya’y second lead roles ang ginagampanan niya.
Ang tsika pa, sising-sisi ang mag-amang Angelika at Ernie sa desisyong lumipat sa Dos.
Salo naman ng mga intrigero’t intrigera, ano ang kasalanan ng Dos doon kung hanggang ganu’n lang ang bagay na role kay Angelika?
In the first place, may napatunayan na raw ba ito bilang aktres para gawing bida?
GERRY OCAMPO
Journal Online