Jennylyn: MWF sa La Vendetta; TTHS sa Joaquin Bordado
Magiging multo ang karakter ni Jennylyn Mercado sa suspenserye ng GMA na La Vendetta.
Bunso sa tatlong bidang magkakapatid na si Almira Cardinale ang role ni Jen sa La Vendetta na maiipit sa tunggalian sa pagitan ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid — ang mapaghiganti at mukhang perang si Amanda (Jean Garcia) at ang misteryosang kapatid sa labas na si Eloisa Cardinale (Sunshine Dizon).
“Challenging ‘to para sa akin, kasi ngayon lang ako gumawa ng medyo mature role na talagang heavy drama,†sey ni Jen.
Happy raw siya sa bago niyang primetime show sa Siyete dahil maganda ang kanyang papel. Nang matsika namin si Jen ay hindi pa nakukunan ang mga eksenang isa na siyang ‘ghost’ dahil buhay pa siya sa istorya.
Nilinaw niya sa amin na magtatagal ang karakter niya sa La Vendetta kahit pa kasama rin sila ni Mark Herras sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla. M-W-F daw ang taping nila sa Vendetta at T-Th-S sa Burdado.
Ani Jen, walang problema sa kanila ng nobyo niyang si Patrick Garcia ngayong pinagtatambal ulit sila ng ex-BF niyang si Mark. Personal daw ang sa kanila ni Patrick at tanggap niya na mas gusto ng publiko ang Mark-Jen tandem.
ALLAN DIONES
Abante Tonite