Lovi Poe sheds modesty for sexy image of fragrance line
Magpapa-sexy na ba si Lovi Poe? Noong i-launch kasi ang mga bagong scents ng Aficionado last Thursday, October 25, sa Palacio de Manila, walang takot na sumali si Lovi sa isang fashion show na suot ang isang haltered bareback na may bulaklaking miniskirt. Kitang-kitang ang makinis na likod ni Lovi, na siyang isa sa mga endorsers ng naturang perfume brand. Tulad nina Dennis Trillo, Erich Gonzales, at Jason Abalos na endorser din ng Aficionado, mismong pangalan ni Lovi ang ginamit sa kanyang brand.
Matapos ang fashion show, nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi at tinanong kung ang kanyang kasuotan noong gabing ‘yun ay hudyat na ng kanyang pagkakaroon ng sexy image? Si Lovi kasi ay may image na konserbatibo at hindi nagkaroon ng tatak-pasaway gaya ng ibang young stars. Hindi rin siya yung tipong nakikita sa mga gimikan kaya nga medyo na-shock din kami sa kanyang sobrang sexy na kasuotan.
Napangiti si Lovi at tumugon, “Ay hindi po, kung paano ako noon, ganoon pa rin ngayon, sa mga fashion shows lang po siguro, puwede akong magpa-sexy, disente naman po ‘tong show ng Aficionado.â€
Nang ang manager niyang si Leo Dominguez naman ang aming tinanong, sinabi nitong walang kinalaman sa ibang bagay ang sexy outfit ng kanyang alaga. Sabi pa nito, kailangan lang daw kasing maging sexy ang dating ni Lovi dahil nga ‘yun ang character ng mismong brand ng pabangong ini-endorso niya.
“Other than that, wala na, she will maintain her conservative image. Wala pong magbabago kay Lovi. The dress you saw her wear was just a part of a show, nothing else,†seryosong pahayag naman ni Leo.
Si Lovi Poe rin ang celebrity endorser ng Olive C, isang skin soap para sa mga teenager at produkto ng Psalmstre Enterprises owned and managed by Jimmy Acosta. Along wth Melanie Marquez, who endorses New Placenta, si Lovi ay ipinagmamalaki ng kumpanya dahil nga tamang-tama raw ito bilang image model nila. Isa pa, hindi raw mahirap kausap ang kampo ni Lovi pagdating sa mga aktibidades ng kumpanya nila. “She is very cooperative, wala kaming nagiging problema sa kanyang availability,†paniniyak pa ni Mr. Jimmy.
CESAR PAMBID
Philippine Entertainment Portal