Belo at Kris, nag-isnaban
How true na nagdedmahan diumano sa concert ni Josh Groban last October 18, sina Dr. Vicki Belo at Kris Aquino? Nasa unahang upuan daw nina Kris at mga kasama nito sina Dr. Belo at boyfriend ng huli na si Dr. Hayden Kho. Pagbukas daw ng ilaw pagkatapos ng concert at pagtayo nila pare-pareho ay biglang humarap lang daw sa kaliwang side si Dr. Belo at si Kris naman daw ay sa kanang side naman.
Totoo naman din kaya ang chika sa amin na never daw nanood ng CelebÂrity Duets on TV, lalo na sa taping ang anak ni Dr. Belo na si Cristalle Henares kung saan kasali nga si Hayden? Bakit kaya? Si Quark Henares kaya nakapanood kahit isang episode? Pero okey na okey naman silang mag-iina nung huli namin silang nakitang magkakasama.
By the way, hindi lang pagpapaganda ng tao ang concern ngayon nina Dr. Belo, Cristalle at ng buong team ng Belo Medical Group. They also want to inspire their patients and the public na lalo pang pangalagaan ang ating kapaligiran.
Ang ginagawa nila ngayon sa kanilang mga clinics na kampanya ay Belo Goes Green, where in kasama nila si former Environment Secretary Elisea “Bebet†Gozun. Kaya nga last Friday, October 26, ay natuloy na ang screening ng The 11th Hour, a documentary on global warming, narrated by Leonardo Di Caprio na sponsored ng Belo Medical Group sa My Cinema at Greenbelt 3 in Makati.
FRANCIS SIMEON
Pilipino Star Ngayon