Andrew Wolff, nagtaka bakit di nakapasok sa PBB
LAGING pinanonood ni Andrew Wolff ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, dahil pangarap niyang maging housemate ni Kuya.
Nagtataka lang ang commercial and ramp model kung bakit hindi siya nakapasok.
“Nagpakitang gilas naman po ako sa interview. Siguro, hindi sad ang nakaraan ko kaya hindi ako kinonsider,†feeling niya.
Isa pang feeling niya, “Hindi yata nila ako gusto talaga, dahil nga sa mga isyu ko dati sa ex ko na nakapagpabagsak ng reputasyon ko.
“Wala naman akong sinisisi. Nakagugulat lang na hindi naman kilala ang ibang PBB housemate,†sabi pa niya sa text.
Nanghihinayang ba siya sa opportunity na lalo pang makilala ’pag naging housemate ka o dahil naroon na ang lahat ng kaaway niya sina Will Devaughn, Ethel Booba at Jen da Silva?
“Hindi naman. Gusto ko lang mapalinis ang image ko at makilala ng sambayanan kung sino ang tunay na Andrew Wolff. Wala akong pakialam sa prize.â€
At nakiusap pa sa amin si Andrew na baka puwede naming alamin sa PBB management kung ano ang naging downfall niya para hindi mapasali at magkaroon na rin daw siya ng peace of mind.
Journal.com.ph