Ai Ai de las Alas, pinaka-riot sa concert ni Erik

As usual ay ang portion ni Ai Ai de las Alas ang pinaka-riot sa concert ni Erik. Paglabas pa lang ng hitad ay hagalpakan na ang buong Araneta.

“Syet, o! Punumpuno ang Araneta! Syet ka talaga!!” bati ni Ai Ai kay Erik.

“Todo na ‘to! Level-level na ‘to! Hawakan mo boobs ko! ‘Di ba, siya (Rufa Mae) P-chi (ang palayaw)? Ako, pichi-pichi (ang boobs)!”

“Bakit ba kayo nagkahiwalay?” hirit pa nito. “Malaki naman bird mo. Malaki naman suso niya. Patas na kayo!”

Bumaling ang hitad kay Rufa Mae, sabay sundot ng, “P-chi, okey ba? Malake?” na tinawanan lang ni P-chi.

“Ms. Ai, may TV (coverage), ‘to!” saway sa kanya ni Erik. Sagot niya, “Hayaan mo na, edited naman ako parati, eh! Sanay na ako!”

Tawanan ang crowd sa tuwing sinasabihan niya ng, “Syet kayo!” at “Punyeta!” Panay rin ang buska niya kay Erik. “Syet, ang dili-delicious mo ngayon, Erik! Babalikan ka na ni P-chi! Ayaw na niya kay Billy Joe! Panay ang sayaw mo, eh! Kinukumpetensiya mo si Billy!”

Sa kanilang production number ay SexyBack ni Justin Timberlake ang binanatan ni Erik at Milkshake ni Beyonce ang kay Ai Ai. Nahilo ang hitad nang buhatin siya ng dancers na medyo patiwarik.

Nagkikiskisan ang harapan ng dalawa habang sumasayaw at maya-maya ay niluhuran ni Ai Ai si Erik na animo’y hahadahin. Humiga pa sa stage ang Comedy Concert Queen at tumuwad-tuwad.

Sa muling paggiling-giling nila at pagsasalpukan ng mga harapan nila ay nagdayalog ang hitad ng, “Parang may nararamdaman na ako, Erik!”

Sa ending ng kanta ay binuksan niya ang suot na pantaas ni Erik at inamuy-amoy ang katawan nito.

Panay ang pabirong pambabalahura ni Ai Ai kay Rufa Mae, na nakaupo sa harapan at tawa lang nang tawa. Meron siyang kumikinang-kinang na props na .45 na baril sa may baywang.

May lifting-lifting ulit at hinagis-hagis pa si Ai Ai ng dancers niya sa kanyang solo Pussycat Dolls medley, na hindi niya alam ang lyrics.

Kahit ilampung ulit nang ginawa ni Ai Ai ang gimik niyang ‘yon, ay bentang-benta pa rin ito at baliw na baliw pa rin sa kanya ang audience!

Abante-Tonite

Leave a Reply