Juday babanggain si Claudine sa best actress award!

FINALLY ay matutuloy na ang nabinbin o naantalang awards night ng FAMAS, ang oldest award-giving body sa Philippine movie industry.

Ang 55th Annual FAMAS Awards night ay gaganapin sa November 25, 2007 sa isang grand-yosang dinner presentation sa fabulous venue, ang Le Pavillion, along Diosdado Macapagal Avenue na malapit sa SM Mall of Asia.

Na-lift na ang TRO (temporary restraining order) na isinampa ng korte matapos mag-file ng kaso ang break away group ng grupo sa pangunguna ni Jimmy Tiu.

After a few months, ibinasura rin ng Court of Appeals at Lower Court ang nasabing kaso.

Kaya masayang-masaya ang FAMAS group headed by its president Art Padua, first vice president na si Sonny Chico, at second VP naman na si Junne Quintana dahil nasa kanila pala ang “hu-ling halakhak.”

Magaling rin marahil ang kanilang abogado na si Atty. Raul Lambino.

Ang nakakalokah, sobrang hassle ang ginawang pagsampa ng kasong ito ng break away group, as in all set na ang buong production last year (2006) — paid na in partial and full ang production, performers, hosts, gawa na ang trophies, at mismong ang stage sa UP Theatre nang one day before ay lumabas ang TRO!

Ang nangyari pala’y itinuloy pa rin ng original/ retained FAMAS group ang kanilang awards night sa isang show ni Under Secretary Robert Rivera sa NBN Channel 4. Nakara-ting ang best actor awardee na si Robin Padilla, pero hindi ang best actress winner na si Claudine Barretto na buntis pa that time.

At least, in 55 straight years, ay hindi nabutasan kahit isang taon ang paggawad ng parangal mula sa oldest award giving body na hindi pa kami tao, eh, andiyan na. He-he-he.

* * *

MULA sa Specialist Events Productions and Promotions, Inc., headed by the executive producer na si Teddy Molina, kasama sina Joel Encarnacion, Ramon Muncal, Clarence Molina, at Dionisio Bulong, ang 55th FAMAS Awards Night nominees (sa major categories) ay ang mga sumusunod:

Best Picture: Kasal, Kasali, Kasalo (Star Cinema), Inang Yaya (Unitel Pictures), Kaleldo (Center Stage Productions), Kubrador (MLR Productions), Umaaraw Umuulan (Eight Elephants Productions).

Best Actress: Maricel Soriano (Inang Yaya), Judy Ann Santos (Kasal, Kasali, Kasalo), Gina Pareno (Kubrador), Cherry Pie Picache (Kaleldo), and Claudine Barretto (Sukob).

Take note na nagwagi na si Juday sa Star Awards for Movies this year for the same film pati na sa Golden Screen Awards (for comedy) at nag-tie naman sa GSA (drama) sina Marya and Gina and nasolo naman ng huli ang tropeo sa Gawad Urian na pinakahuling naggawad ng parangal.

Kanino naman kaya ipagkakaloob ng FAMAS ang best actress trophy this year?

For Best Actor, nominado sina: Piolo Pascual (Don’t Give Up On Us), Johnny Delgado (Kaleldo), Cesar Montano (Ligalig), Jericho Rosales (Pacquiao The Movie) at Ryan Agoncillo (Umaaraw Umuulan).

Nag-tie naman for Best Actor sina Jericho and Piolo sa Star Awards for Movies ng PMPC. Hindi naman nominado sa FAMAS ang GSA awardee Alchris Galura at Urian winners Mark Gil at Rustom Padilla.

* * *

SAMANTALA, for best supporting actress, nominado sina: Gina Pareño (KKK), Liza Lorena (Inang Yaya), Maja Salvador (Sukob), Tetchie Agba-yani (Close To You), at nag-tie sa last slot sina Jodi Sta Maria (You Are The One), at Rio Locsin (Don’t Give Up On Us).

Pasok naman as best supporting actor nominees sina: Wendell Ramos (Sukob), Alan Paule (Kaleldo), Tommy Abuel (Don’t Give Up On Us), Allen Dizon (Twilight Dancers) at Jimmy Concepcion (Barang).

For best director plum, maglalaban-laban sina: Jeffrey Jeturian (Kubrador), Jose Javier Reyes (KKK), Joyce Bernal (Don’t Give Up On Us), Pablo Biglang-Awa and Veronica Velasco (Inang Yaya) and Brillante Mendoza (Kaleldo).

Journal.com.ph

Leave a Reply