Ted Failon, may mensahe kay Pacquiao
SPEAKING of Manny Pacquiao, sino naman kaya ang nagpayo rito na ituring din niyang Barrera at Morales sina Korina Sanchez at Ted Failon?
Nagagalit si Pacman kay Korina at kay Ted, dahil diumano sa bira sa kanya sa radyo, lalo na nu’ng kasagsagan ng eleksiyon kung saan all along pala ay tama ang hawak na survey ni Korina na lamang na lamang ang incumbent congresswoman na si Darlene Antonino Custodio at hinihintay ang survey naman ng Pacquiao camp para patunayang sila ang lamang, pero wala naman silang maipakita.
Kaya hamon daw ni Korina ay subukan ni Manny na ipatanggal siya sa ABS-CBN, subukan lang niya.
Samantala, nakikinig si Pareng Ted Failon sa aming radio program kahapon kung saan tinatalakay namin ang isyu, at ito ang kanyang mensahe: “For the record lang, never naming ginawang isyu versus Manny ang bisyo niyang sugal. Manny is a friend. Pinayuhan ko pa siya last election.
“Anytime, we can give him time to clear the air. ’Yung mga taong nakapaligid sa kanya ang lumalason sa isip niya.
“Hope they stay with him forever, lalo na ’pag hindi na siya sikat.â€
Oo nga, ba’t gano’n si Manny? ’Pag natsitsismis siyang nagsusugal o nagka-casino, nagsasabong, lagi siyang nagagalit?
Para hindi na siya magalit, ’wag na lang siyang magsugal, hindi ba?
Sa halip, itulong na lang niya sa mahihirap na kababayan ang kanyang isusugal, nakatulong pa siya at tiyak na ikalulugod din ’yon ni God.
Journal.com.ph