Riza Santos, virgin pa!
LAST Sunday night, pumasok na ang 10 housemates sa Bahay ni Kuya sa pormal na pagsisimula ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.
Pero counted as eight lang ang sampung celebrities dahil isa lang ang bilang ng magkapatid na Baron and Donnie Geisler, gayundin sina Jen da Silva and Marylaine Viernes ng 26K ng Kapamilya Deal or No Deal.
Ang iba pang pumasok ay sina Yayo Aguila, Megan Young, Will Devaughn, Victor Basa, Riza Santos at Ruben Gonzaga. May lima pang papasok na malalaman sa mga susunod na episodes ng programa.
Ikinaaliw namin ang revelation na virgin pa pala si Riza considering na laki siya sa ibang bansa.
Masuwerte pala kung sinuman kina Mark Bautista at Polo Ravales ang magwawagi ng kanyang puso and for sure, lalong magiging interesado ang dalawa na i-pursue ang dalaga.
Nagtaka naman kami kung bakit “Mom in Distress†ang titulo ni Yayo. Mukhang hindi kasi kung titingnan mo ang charming niyang mukha at masayahin niyang kilos.
“True Lover†naman ang bansag kay Will dahil kaya pala siya napadpad sa Pilipinas ay dahil sinundan niya ang girlfriend na niloko naman siya.
Pero heto ang nakaiintriga. We just received an info na bading daw ang isa sa male housemates ng PBBCE2. Wa na reveal ng kanyang name dahil hindi pa naman siya nag-a-out.
Mas maganda siguro kung gagayahin niya si Rustom Padilla ng PBBCE1, na nag-reveal na bading siya sa mismong Bahay ni Kuya.
Tiyak na napakalaking kontrobersiya na naman nito ’pag nagkataon.
Journal.com.ph