May bading sa new housemates?

Sino kaya kina Baron Geisler, Donald Geisler, Will Devaughn, Mr. Gonzaga, at Victor Basa ang susunod sa yapak ni Rustom Padilla na maga-OUT din bago matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

Ang mga nabanggit ang unang batch na ipinakilalang housemates na puma­ sok sa Bahay ni Kuya nung Linggo ng gabi at base sa sangkaterbang mes­sages na natanggap namin ay may bading na namang nakapasok sa PBB house.

Curious kami kung sino kaya’t tina­ nong namin kung sino at nagulat kami nung banggitin ang name dahil hindi namin sukat akalaing bading pala ang nasabing celebrity dahil kung titingnan mo naman ay lalaking-lalaki talaga.

Say mismo ng nag-text sa aming gay publicist ng isang male contest, “Ano ba, since birth, bading na siya at kilalang-kilala ko ‘yan, contestant ko ‘yan sa (name ng contest). Jowa nga niya ‘yung isang miyembro ng male group.”

Kaya pala wala kaming nabalitaang naging girlfriend niya or nabanggit niya sa amin sa interview na virgin pa siya at the age of 21. Nakakataka nga.

Philstar.com

Leave a Reply