Mark Bautista, di napuno ang Aliw Theater
HINDI man napuno ang Aliw Theater, inspiradung-inspirado pa rin sa pag-perform si Mark Bautista. Naaliw kami sa show dahil sa performance ni Mark at hindi kami nagsisisi na dumayo kami sa Aliw Theater para panoorin siya.
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang special surprise guest ni Mark sa kanyang solo concert titled Simply Irresistible and he lived up to his billing naman.
Maluha-luha nga si Mark sa kasiyahan. Ang iba pang celebrities na nanood ng show ni Mark ay sina Piolo Pascual, Rica Peralejo, Erik Santos at Direk Joyce Bernal.
Si Faith Cuneta ang unang guest performer ni Mark. Inawit nila ang Kasalanan Ko Ba? Then, sunod na inawit ni Faith ang Come What May. After ng solo number ni Mark, sumunod naman na lumabas ay si Rachelle Ann Go. Nag-duet sila ng These Dreams, then Rachelle followed this up a medley of From The Start, Bakit, I Can Make It Through the Rain, and Don’t Cry Out Loud na umani ng masigabong palakpakan.
Si Mark ulit ang lumabas after Rachelle Ann, and he did a medley of standards, mga awiting usually kinakanta niya when he was still a member of a showband.
These included Who Can I Turn To, What Kind of Fool Am I, (kung saan may portion na ka-duet ni Mark an g kanyang sarili via a video screen.
After this ay pumasok ang another special guest ni Mark na si Mikki Han, isang baguhang singer, at inawit naman nila ang The Way You Look Tonight. And then came the bossa nova queen Sitti who, after performing her hit single Ikaw Lamang, also did a duet with the Pop Heartthrob. May guest appearance din si Sweet (John Lapus) who did a very funny spoof as he pretended na siya ang ka-date ni Mark. Tapos nag-duet sila ng awiting Dodong Charing. Sabi ni Mark, sobrang overwhelmed siya sa suporta ng mga tao sa kanya na dumayo talaga sa Aliw Theater to watch him perform.
Pero, idinugtong ni Mark, na hindi kumpleto ang evolution niya as a singer kung hindi makakasama si Sarah Geronimo.
“Dalaga na si Sarah,†biro ni Mark sa singer at sinabi pa nito na huwag na sana raw siyang tatawaging Kuya ng dalaga. All the while ay magka-holding hands sina Mark at Sarah kaya sinabi ni Sarah rito, “pagagalitan ako ni Mommy niyan.â€
Dapat ituloy ng ABS-CBN ang pagbi-build-up kina Mark and Sarah as a tandem kasi malakas ang hatak nila sa mga tao. At may kilig sila sa fans. Hinalikan lang ni Mark si Sarah, tilian na ang agad ang fans.
At this portion, pumasok si Regine Velasquez para mag-duet sila ni Mark. Inawit nila ang Uma-gang Kay Ganda. For her solo number, Regine did Dadalhin kung saan naki-sing along sa kanya ang fans.
After a solo dance number, wika ni Mark, masa-yang-masaya siya dahil ang gusto lang naman daw niya ay kumanta para mapasaya ang family niya at para bigyan-daang ang hilig niya sa pagkanta.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos for all the blessings He has given me. Sana suporta-han ninyo pa rin ako at enjoy pa rin kayo sa songs ko,†wika pa ni Mark.
Journal.com.ph