Korina SanÂchez, hinamon si Pacquiao
Nasa palabang esÂtaÂdo pa rin si Korina SanÂchez, madaling intindihin yun dahil kung pinakingÂgan lang ng mga ehekuÂtibo ng Dos ang gusto ni Manny Pacquiao ay matagal na siguro siyang walang trabaho, sa kanÂyang programa kahapon sa DZMM kasama si Ted Failon ay nagbigay uli ng komento ang mataÂpang na anchorÂwoÂman.
Ayon kay Ate KoÂring, sa lahat ng sinabi ni Manny bilang deÂpensa ay isa lang ang totoong-totoo, ang siÂnabi ng bokÂsingero na hindi nito kayang magÂpatanggal ng isang tao sa trabaho.
Ang sabi ni Korina ay mabuti naman daw at alam yun ni Manny, siÂnabi rin ng anchorwoÂman na kahit maging super-universal at inter-galactical champion pa ito sa larangan ng bokÂsing ay hindi pa rin ito binibigyan ng kaÂrapaÂtang magpaÂtangÂgal sa trabaho sa kahit sino.
Madiin ding sinabi ni Korina na anumang bagay na sinasabi niya ay pinaninindigan niya, anuman ang mangyari ay wala siyang tataliÂkuran, dahil meron siyang paninindigan.
Nilinaw rin nila ni Ted na kahit kailan ay hindi nila naging paksa sa kanilang pang-umagang programa sa DZMM ang pagiging sugarol ni Manny, kaya walang katotohanan ang isyu na sinabi nilang hindi dapat suÂportahan ng ating mga kababayan si Pacman dahil sugarol ito, day dahil hindi nga nila nagiÂging paksa yun sa kaniÂlang programa.
Sa swabe, pero maÂdiing pananalita, ay hinaÂmon ni Korina si Pacman na subukin uli nitong gawin ang pagpapatangÂgal sa kanya. Masakit na masakit yun para sa news anchor, dahil ang kanyang katwiran ay hindi naman gawa-gawa lang ang inilabas niyang survey nung nakaraang eleksiyon na bagsak sa rating si Manny, kundi isang opisyal na resulta ng ginawang survey sa GenSan.
Maraming kababaÂyan din natin ang naÂgaÂgalit ngayon kay Manny dahil sa sinabi nito na kaya hindi umuÂunlad ang buhay nating mga Pinoy ay dahil sa inggit.
Sana raw ay magÂdaÂhan-dahan sa pagÂsasaÂlita si Manny dahil ang mga Pilipinong tinutukoy nitong naÂbubuhay sa inggit ay ang mismong mga taong nanalaÂngin para sa kanyang taÂgumpay mula pa noon.
Ganun ang dating ng sinabi ni Pacman, pero sa ngalan ng pagi ging parehas ay hindi naman nilahat ni Manny ang ating mga kababaÂyan, ang sinabi ng bokÂsingero ay kaÂramihan lang at hindi lahat.
Pero ayaw tangÂgapin ng mga kausap namin ang ganung paliwanag, masakit daw talagang magÂsalita si Manny, kaya wala na silang pakiÂalam mula ngayon sa mga susunod pang laban ni Pacquiao.
Philstar.com