Korina Sanchez, galit kay Manny Pacquiao
Kahapon nang umaÂga ay kumawala ang emosyon ng premya dong news anchor na si Korina Sanchez sa kanilang programa ni Ted Failon sa DZMM. Highblood si Ate Koring, tahasan niyang sinabi na totoong si Pacman ang pinakamagaling na bokÂsingerong nadisÂkubre ng Pilipinas, pero si Manny Pacquiao din ang pinaÂkamayabang at pinakaÂmaangas na boksingeÂrong nagkaÂroon ang bansang ito.
May pinagmulan ang komentarista, biÂnalikan niya ang mga araw na piÂnilit brasuhin ni Pacman ang isang network para alisan ng trabaho ang isang reÂporter, hindi raw nagusÂtuhan ng boksiÂngero ang report nito tungkol sa kandidatura ng People’s Champion nung nakaraang elekÂsyon.
Ayon kay Ate Koring ay kinausap ni Manny ang ehekutibo ng isÂtasyon, isinumbong ang mga ginawa sa kanya ng reporter, na umabot sa pagtatangka ni Manny na tanggalan ng trabaho ang nasabing reporter.
“At alam mo ba, Ted, ang sabi pa ni Manny, eh, palagi raw niyang pinagbibigyan ang reÂporter na yun para sa interview, pero binibira pa siya, teka muna!
“Hindi niya dapat isumbat yun sa reporÂter, dahil nagkatulungan lang naman sila. Hindi niya dapat sabihing may utang na loob sa kanya ang reporter na yun, dahil kung tutuÂusin, eh, siya pa nga ang dapat magpasalaÂmat, dahil gumanda ang imahe niya!†maÂdiing sabi pa ni Korina.
Napakaraming tuÂmaÂwag sa amin nang dahil dun, tinatanong kami ng ating mga kaÂbabayan kung sino ang reporter-komentarisÂtang pinagÂtangÂkaan alisan ng traÂbaho ni Pacman, sino raw ba ang taong tinutuÂkoy ni Korina?
Alam namin ang kaÂbuuang kwento nun dahil parehong malapit sa amin sina Manny at KoÂrina, pero kahit minÂsan ay hindi namin iniÂlabas yun sa alinmang kolum namin, pero dahil nabukÂsan na ang paksa ay pwede na naming pakiÂalaman ang isyu.
Ang reporter-koÂmenÂtaristang tinutukoy ni Korina na pinagtangÂkaang ipatanggal sa trabaho ni Pacman ay siya mismo, si Korina Sanchez, kaya niya nasabing si Pacman ang pinakamayabang na boksingerong natukÂlasan ng bansang ito.
Philstar.com