Korina Sanchez, galit kay Manny Pacquiao

Kahapon nang uma­ga ay kumawala ang emosyon ng premya­ dong news anchor na si Korina Sanchez sa kanilang programa ni Ted Failon sa DZMM. Highblood si Ate Koring, tahasan niyang sinabi na totoong si Pacman ang pinakamagaling na bok­singerong nadis­kubre ng Pilipinas, pero si Manny Pacquiao din ang pina­kamayabang at pinaka­maangas na boksinge­rong nagka­roon ang bansang ito.

May pinagmulan ang komentarista, bi­nalikan niya ang mga araw na pi­nilit brasuhin ni Pacman ang isang network para alisan ng trabaho ang isang re­porter, hindi raw nagus­tuhan ng boksi­ngero ang report nito tungkol sa kandidatura ng People’s Champion nung nakaraang elek­syon.

Ayon kay Ate Koring ay kinausap ni Manny ang ehekutibo ng is­tasyon, isinumbong ang mga ginawa sa kanya ng reporter, na umabot sa pagtatangka ni Manny na tanggalan ng trabaho ang nasabing reporter.

“At alam mo ba, Ted, ang sabi pa ni Manny, eh, palagi raw niyang pinagbibigyan ang re­porter na yun para sa interview, pero binibira pa siya, teka muna!

“Hindi niya dapat isumbat yun sa repor­ter, dahil nagkatulungan lang naman sila. Hindi niya dapat sabihing may utang na loob sa kanya ang reporter na yun, dahil kung tutu­usin, eh, siya pa nga ang dapat magpasala­mat, dahil gumanda ang imahe niya!” ma­diing sabi pa ni Korina.

Napakaraming tu­ma­wag sa amin nang dahil dun, tinatanong kami ng ating mga ka­babayan kung sino ang reporter-komentaris­tang pinag­tang­kaan alisan ng tra­baho ni Pacman, sino raw ba ang taong tinutu­koy ni Korina?

Alam namin ang ka­buuang kwento nun dahil parehong malapit sa amin sina Manny at Ko­rina, pero kahit min­san ay hindi namin ini­labas yun sa alinmang kolum namin, pero dahil nabuk­san na ang paksa ay pwede na naming paki­alaman ang isyu.

Ang reporter-ko­men­taristang tinutukoy ni Korina na pinagtang­kaang ipatanggal sa trabaho ni Pacman ay siya mismo, si Korina Sanchez, kaya niya nasabing si Pacman ang pinakamayabang na boksingerong natuk­lasan ng bansang ito.

Philstar.com

Leave a Reply