Pamamahala sa PBB2 housemate at PDA scholar inilipat na sa Star Magic
Kumpirmado ngang inilipat na sa Star Magic ng Dream Big Productions ni Direk Laurenti Dyogi ang pamamahala sa mga PDA scholar at PBB2 housemate na dating hawak ng kanyang talent agency.
Sa presscon ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 last Tuesday, inamin ng direktor at business unit head ng PDA at PBB na nagdesisyon siyang i-turn-over na ang 17 talents dahil na rin sa mga intriga at batikos na tinatanggap niya.
Matatandaang isang taon pa lang buhat nang itayo nina Direk Lauren at Jon Ilagan ang DBP para i-handle at i-manage ang mga career ng PBB housemates at PDA scholars, pero katakut-takot na intriga na agad ang sinagupa nila.
Ang pinakagrabeng intriga ay ang tungkol sa pagkuha ng 90 (for PDA scholars) and 50 (for PBB) percent commission sa mga talent at aminado si Direk Lauren tungkol dito, pero may paliwanag siya.
Aniya, sobrang taas kasi ng talent fees ng mga bata, mas mataas kesa normal na baguhan. Ito ay dahil na rin sa nagawa ng show para sa kanila.
“Kahit pa sabihing 50-50 ’yan, over pa rin talaga ang kanilang kinikita kumpara sa lahat ng baguhan. That is the branding of the network. Some of them naman are known as housemates. You take away the ‘housemates’ title, it’s hard to book them, ’di ba?
“It’s because we’re able to package them as a group, as PBB housemates, then we can command more. ABS will not get into anything na madedehado ang mga taong pumapasok sa programa namin. You’d be surprised on how much they get for a newcomer.â€
Kung nasasagwaan daw ang iba sa 50-50 set-up, ito ay dahil hindi nakikita ng mga ito ang bigger picture. Hindi raw lahat ng baguhan ay ganito kabilis nagkakaroon ng pangalan tulad ng nangyari sa PBB housemates and PDA scholars.
Sa mga nagtatanong kung bakit ang Star Magic, hindi kumukuha ng komisyon ’pag less than 100,000 ang TF ng talent, nilinaw ni Direk na hindi kasi profit center ito tulad ng DBP.
“Iba naman ang ruta ng reality program. If you want to take a longer route, okay ’yun. You go to Star Magic, but it will take a longer time.
“Parang ano lang ’yan, eh. I look at it as parang expressway. If you want to get to Alabang, you can take the normal tollgate and be charged lesser. But if you want the Skyway, you can join the reality program like PBB or PDA,†paliwanag ni Direk.
Sa ngayon, apat na lang ang natitirang talent ng DBP — sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang at Emman Abatayon.
Ang 17 talents ay na-turn-over na, including Wendy Valdez, Bea Saw, Bodie Cruz, Gee-Ann Abraham, Bruce Quebral, Saicy Aguila, Nel Rapiz, Mickey Perz, Robert Wood, Dionne Monzato and Kian Kazemi, among others.
Sa Star Magic, standardized ang rate ng mga talent at hindi na sila kukuha ng komisyon although ang DBP pa rin ang mamamahala sa bookings.
“Management ang Star Magic, kami naman ang booking,†say ni Direk.
Journal.com.ph