Jericho Rosales, kinokopya si Gary V?
Una niyang binihag an gating mga puso nang ipa-kilala siya bilang miyembro ng Star Circle Batch 4 ng ABS-CBN.
Hindi nagtagal ay naki-lala na siya bilang isang ganap na bituin – natampok sa mga magazine covers, naging mukha ng ilang malalaking produkto at nagbida sa ilang malalaking teleserye at pelikula.
Malayo na nga ang narating ni Jericho Rosales. Mula sa pagiging isang teen heartthrob, nakilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling na actor sa kanyang henerasyon.
Ipinakita niya ang ang-king husay sa telebisyon at pelikula na naging daan para mapamahal siya sa publiko at para kilalanin siya ng ilang award-giving bodies.
Noong nakaraang taon, pansamantalang nagpahinga si Echo sa showbiz at nag-focus sa kanyang singing career. Binuo niya ang bandang Jeans, na naglunsad ng kanilang 14-track album, ang Loose Fit sa EMI Records.
Inilunsad rin nila ang naturang album sa Malaysia at uma-bot pa maging sa ibang parte ng Asya. Kamakailan lang ay nilabas na nila ang kanilang pangalawang single, ang Tuwing Nakikita Ka, pati ang music video ng awitin na si Echo mismo ang nag-direct.
At ngayong magdiriwang na siya ng kanyang ika-sampung taon sa industriya, lubos ang pasasalamat ni Echo sa lahat ng biyayang natatanggap niya.
At kasama sa kanyang 10th anniversary celebration, magkakaroon si Echo ng two-night concert na pinamagatang Raw Energy, sa October 18 at19, 8 p.m. sa Music Museum.
Kasama niya rito ang kanyang bandang Jeans, pop icon Mr. Gary Valenciano, ang anak nitong si Gabriel at iba pang surprise guests.
Tampok sa Raw Energy ang unang matagum-pay na dekada ni Echo sa showbiz, mula sa pagiging actor hanggang sa isang certified musical artist.
Ang concert na ito ay joint-effort ng Silver Moon Production na pag-aari ni Echo, at GV Productions, Inc. (GVPI). Magkasamang magdidirek ng palabas sina Gary at Echo.
Tinitingala ni Echo si Gary at tinuturing na mentor at malaking musical influence. Hindi rin maiwasang ikumpara siya sa magaling na concert artist. Subalit itinanggi ni Echo na kinokopya niya si Gary V.
“He is a big pillar and a great influence to express myself in singing and dancing,†ani Echo patungkol sa kanyang idol.
“I’m still on the raw side to be compared to a seasoned performer like Gary.â€
Isang malawak na repertoire ang kakantahin ni Echo sa concert. Mula pop-jazz hanggang alternative rock, mga nakakaindak na awitin noong dekada ’80, ilang hit songs sa kasalukuyan at mga original songs ng Jeans.
Ang concert na ito ay inihahandog ng Penshoppe, katulong ang ABS-CBN, Asap ’07, Magic 89.9, 96.3 WRock, 101.9 For Life, Decs Plaza, Belo Medical Group at MYX. Mapupunta sa isang scholarship program sa Bicol ang kikitain sa concert, sa pamamagitan ng Shining Light Foundation.
Mabibili ang tickets sa halagang P1,500, P1,200, P1,000, P800 and P600 sa Genesis (7214405 local 104, 105 at 109, cellphone number 0920-2274425), Ticketworld (891-9999), pati na rin sa Music Museum (721-6726) at National Bookstore branches, Robinson’s Department Stores (Galleria and Malate), Greenbelt 1 at Glorietta 1 ticket booths.
Si Jericho ay nasa ilalim ng Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. Bisitahin ang kanyang website, www. myspace. com/echorosales or www .jerichorosales online.com o ang website ng Genesis, www. manilagenesis. com.
Journal.com.ph