Ethel Booba at Alex Crisano sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2?
Magbubukas na uli ang Bahay ni Kuya para sa isang season ng kasiyahan, intriga at totoong drama tampok ang 13 Pinoy celebrities.
Bawat isa ay may kanya-kanyang pinagmulan at personalidad at magsasama-sama sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 na mapapanood after Sharon sa ABS-CBN.
Kung ipinamamalita ni Ethel Booba sa kanyang shows na kasali siya sa PBBCE2, bakit hindi niya sinasabi na kasama rin ang ex-dyowa niyang si Alex Crisano, na balitang isa rin sa mga papasok sa Linggo?
Hindi kaya ito alam ni Booba or sadya lang ayaw niyang bigyan ng publisidad ang ex-BF?
Tekaaa, kung magkakasama ang dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi kaya magkaroon ng part 3 ang kanilang love-hate relationship with matching bugbugan on the side?
Masaya at intriguing ’to if ever, ha!
Siguro naman, walang bipolar disorder ang dalawang itech dahil kung nakasali nga sila sa PBBCE2, ibig sabihin, pumasa sila sa psychiatric test na isa sa rules ni Big Brother, in fairness.
And take note, labintatlo ang papasok sa Sunday.
Sino kaya sa kanila ang tatawaging “Hudas�
O, devah may tinatawag na labintatlong Hudas, tsuk!
Journal.com.ph