Erik Santos, iniiyakan pa rin ang dating girlfriend
Hindi kami sure kung ie-edit ng mga progra mang Entertainment Live at Cinema News One ang pagpupunas ni Erik Santos ng luha niya nang makausap namin sa last press launch ng major concert niyang Erik Santos, Solo at the Coliseum 2007 sa OctÂober 19 at 8pm kahaÂpon, Martes.
Naging sentimental ang binatang singer nang tanungin namin siya tungkol sa real score nilang dalawa ni Rufa Mae Quinto dahil patuloy pa rin silang nakikitang magkasama at nagtataÂwagan.
“Hindi ko alam kung nakaka-relate kayo, pero kasi kami ni Peachy, mas ki na wala na kami, na-mainÂtain pa rin namin ‘yung magandang relasÂyon namin, pinupuntaÂhan ko pa rin siya kapag maluÂwag ang sked ko, tinataÂwagan ko pa rin siya parati at talagang Baby pa rin ang tawag ko sa kanya.
“Aminado ako na maÂhal na mahal ko pa rin siya at nasasaktan ako kaÂpag may mga naririnig akong nali-link sa kanÂyang ibang lalaki, pero siyempre, wala akong say kasi wala na kami. Pero hindi pa namin tinuÂtuldukan ang relasyon naÂmin, aminado ako na hoping pa rin ako sa kanya.â€
Samantala, nagkaki lala na raw sila ni Billy Crawford, ang latest na nali-link kay Rufa Mae sa Celebrity premiere night ng Apat Dapat Dapat Apat.
At ang pangako ni Erik sa amin, kung naÂnood si Rufa Mae sa concert ni Billy ay siguÂradong nasa unahan nakapuwesto ang kanÂyang ex-girlfriend kapag nanood ito ng concert niya.
Philstar.com